ERWIN TULFO MAY ‘SURRENDER FEELER’ NA PARA SA KANYANG ARMAS

erwin tulfo

NAKIKIPAG-UGNAYAN na umano ang brodkaster na si Erwin Tulfo sa Philippine National Police (PNP) para sa pagsuko sa kanyang mga pag-aaring baril.

Ito ay bunsod ng babala ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na may gagawin silang kaukulang aksiyon sakaling hindi isuko ni Tulfo ang kanyang mga baril dahil napaso na ang kanyang license to own and possess firearms (LTOPF) noon pang buwan ng Mayo.

Martes sa isang pulong balitaan ay inihayag ni PNP spokesman Col. Bernard Banac, may isang kinatawan ni Tulfo ang nakipag-ugnayan sa Firearms and Explosives Office (FEO) para sa pagsasauli ng mga armas.

Ayon naman kay FEO director Gen. Valeriano de Leon, nakahanda namang isuko ni Tulfo ang kanyang mga armas oras na maka uwi na ito sa Filipinas.

Nabatid na nasa ibang bansa ang radio personality dahil ikakasal ang kanyang anak. VERLIN RUIZ

Comments are closed.