CAMP CRAME – INAASIKASO ng brodkaster na si Erwin Tulfo ang pagre-renew ng kanyang License to own and Possess Firearms (LTOPF).
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde sa Press conference sa Camp Crame.
Aniya, nitong nakalipas pang Linggo nang simulang asikasuhin ni Erwin Tulfo ang pagre-renew ng LTOPF.
Sa Camp Crame ginagawa ni Tulfo ang proseso at dumadaan ito sa normal na proseso.
Hindi na rin umano kailangang isuko ni Tulfo ang kanyang mga baril dahil on going na ang pagproseso ng LTOPF nito.
Paliwanag ni Albayalde ang LTPOF ni Tulfo ang expired at hindi ang lisensiya ng kanyang mga baril kaya hindi na kailangan pang isuko ang kanyang mga armas.
Matatandaang nag-expire ang LTOPF ni Erwin Tulfo noong mga panahong binabatikos ito dahil sa pambabastos kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista. REA SARMIENTO
Comments are closed.