ES RODRIGUEZ HUMARAP SA PAGDINIG SA SENADO

AGAD na nagtungo sa Mataas na Kapulungan si Executive Secretary Vic Rodriguez para humarap sa imbestigasyon hinggil sa anomalya sa importasyon ng asukal.

Sinabi ni Senator Francis Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, isang oras matapos maipalabas ng komite ang subpoena ay dumating sa Senado si Rodriguez.

Nakahabol si Rodriguez sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa pag-aangkat ng asukal.

Una nang nagpasya ang mayorya sa mga miyembro ng komite na i-subpoena si Rodriguez para maobliga itong humarap sa pagdinig.

Sa kaniyang pahayag sinabi ni Rodriguez na wala siyang intensyon na hindi irespeto ang mga miyembro ng komite ng Senado. LIZA SORIANO