ES VIC RODRIGUEZ BUFFER NI PBMM VS MAPAGSAMANTALANG TAO SA GOBYERNO

SINABI ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat na hindi na siya nagtaka kung bakit may ilang hanay sa pamahalaan ngayon ang tila kabi-kabilang umaatake kay Executive Secretary Vic Rodriguez.

Aniya, bagaman hindi maganda para sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang ginagawang pag-atake sa kanyang executive secretary, normal lamang ito lalo’t naninindigan si Rodriguez na gawin ang dapat sa pamahalaan.

“Buffer siya. Talagang ‘yan naman ang trabaho ng ES, to take the hit – H I T- and take the heat – H-E-A-T. So dapat talaga he should step up and expect na mangyayari iyan,” ani Cabatbat.

Kamakailan ay kumalat ang balitang nagbitiw na bilang ES si Rodriguez bagay na agad pinabulaan nito nang harapin ang mga miyembro ng Malacanan Press Corps (MPC) sa Palasyo ng Malakanyang nitong Biyernes ng tanghali.

“I’m just here. I hardly go out of my office, probably that’s one. I don’t know how the rumor started but all of us in the Cabinet, regardless of the portfolio that he or she is holding or handling,” ani Rodriguez.

Naniniwala si Cabatbat na hindi kasama ang puwesto ni Rodriguez para sa tinatawag na 100 days honeymoon period dahil bilang ‘little president,’ natural na sa kanya ibaling ang mga hindi nakukuhang pabor ng ilang naghahanap ng puwesto sa pamahalaan.

“Ang opposition sa presidente galing sa labas. Malamang ang opposition sa ES galing sa loob. So sa tingin ko talagang hindi maibibigay sa ES iyon (honeymoon period). Marami talagang mga blocks na tumulong sa Presidente na they will really impose their will. Talagang expect na hindi maibibigay ito sa ES. Pero dapat mapagbigyan din kasi siya ang pinagkakatiwalaan ng Presidente eh,” sabi ni Cabatbat.

Nangangamba ang kongresista na sakali mang may ilang grupo sa ‘inner circle’ ng Palasyo ang nagpaplano ng masama para ipatanggal si Rodriguez ay hindi maganda para mismo sa administrasyon ng Pangulong Marcos.

“Sana talaga magkaroon na ng equilibrium very soon. Malapit na ang SONA, Mga ganitong lumalabas na impormasyon, this is not really good for the president. Sana talaga. Lahat, this is the role of the administration – to find harmony among themselves. Pagka talaga meron hindi nagkasundo, problema talaga iyon,” wika pa nito.

Ang reklamo ng ilan na mabagal ang ginagawang appointment sa ilang puwesto ng pamahalaan ay hindi dapat tingnan bilang negatibo para sa PBBM administration.

Sa halip ay magandang pangitain pa ito para patunayan ni PBBM na seryoso ito sa pagtatalaga ng mga tamang tao sa gobyerno.

“I want to give the president the benefit of the doubt, especially if you are to compare the personalities he apointed to different departments. Talagang halos lahat sila ang pinakamagagaling sa field. So kaya kami natutuwa kami, baka kaya nagtatagal sa ibang agencies or bureaus ay dahil sa talagang mapili sila.

Sinasala nila kung sino talaga ang magagaling at mapagkakatiwalaan., It’s a good sign para sa amin,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Cabatbat na sila sa hanay ng sektor ng magsasaka ay nakasuporta at nagtitiwala sa kakayahan ni Rodriguez bilang ES, lalo’t mimsong si PBBM din ang kasalukuyang sekretaryo ng Department of Agriculture.

“As the President of the country and at the same time acting as the Secretary of the Department of Agriculture, these gargantuan tasks would require all the help and proper guidance from his advisers.

Everyone in the Office of the President has to step up, particularly the Executive Secretary.”

Sinabi nitong si Rodriguez na mula sa private sector ay walang rekord ng korupsiyon.

“The President must have the right reasons to trust Vic Rodriguez. I am hopeful that his untarnished reputation would continue while serving the President. He must always be on guard against lobbyists with no good intention for the farmers and the agriculture sector,” ani Cabatbat.

Si Cabatbat, bago ang adjournment ng 18th Congress ang nanguna sa isinagawang imbestigasyon hinggil sa talamak na ‘vegetable smuggling.’

“We have started to uncover vegetable smuggling before the end of session. We expect people involved in smuggling to try to creep their way into the new administration. I hope that the Executive Secretary would shield the President from these groups by investigating deeper as to who really are involved in smuggling,” anang kongresista.

Samantala, maganda rin para kay PBBM na basagin nito nang maaga ang namumuong hidwaan sa loob ng kanyang hanay.

“Role of the president is to be a consensus builder, kaya dapat kausapin lahat ng sides. Kailangan malinaw sa lahat kung bakit ito ang naging desisyon niya. For as long as the President is doing the right thing, I don’t think he will offend anyone. Makaka-offend ka naman kung may hindi ka ginagawang tama o may sinasagasaan kang tao,” sabi pa niya.

Nanawagan din ito sa ilang cabinet officials o mga maiimpluwensiyang tao na may planong sirain ang relasyon nina PBBM at ES Rodriguez.

“For as long as it is everyone’s concern, the country;’s interest is the concern of everyone. Dapat walang mag-away-away. That should be the guiding principle of all the factions that are present now in the administraiton. Kung ano ang makabubuti sa ating bansa, yan ang appeal ko. Na sana isipin natin ay hindi iyong pansarili natin kundi talagang ipara sa bansay kasi iyon ang misyon ng presidente. That is our appeal. Kung ang kagustuhan natin ikabubuti ng bansa, eh bakit tayo magaaway-away. Wala dapat tayong dahilan para mag-away-away,” pagtatapos pa nito.