HUMINGI ng paumanhin nitong Biyernes si Senador Chiz Escudero sa hindi awtorisadong paggamit ng protocol plate no. 7 at sa hindi wastong paggamit ng bus lane sa EDSA.
“The use of the protocol plate was unauthorized, as the vehicle was being driven by the driver of a family member,” ani Escudero, kung saan tinutukoy niya ang insidenteng nangyari noong Abril 11.
“The No. 7 protocol plate was also abused because vehicles with these plates are not allowed to use bus lanes,” dagdag pa niya.
Kasunod ng insidente, sinabi ni Escudero na inutusan niya ang driver na humarap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sumunod sa show-cause order na inilabas sa kanya at sagutin ang mga kasong kinakaharap niya.
“I do not personally use the protocol license plates issued to me, and forthwith the protocol plates involved in the incident will be surrendered to the LTO,” sinabi ng mambabatas.
Pinuri naman ni Escudero ang mga awtoridad sa kanilang pagbabantay at muling iginiit ang kanyang suporta sa pagsisikap ng gobyerno na matiyak na ang mga patakaran at regulasyon sa trapiko sa Metro Manila ay sinusunod ng lahat.
LIZA SORIANO