PATULOY na nangunguna sina Sorsogon Gov. Francis Escudero at Senador Joel Villanueva sa pinakahuling survey ng potential senatorial bets para sa 2022 general elections.
Bagama’t nabawasan ng 9 points mula sa naunang survey noong Disyembre ng nakaraang taon, nanatili si Escudero sa No. 1 na may 4.6% sa polling na isinagawa ng WR Numero Research, isang technology-driven polling at data analytics firm.
Nanatili si Villanueva sa ikalawang puwesto na may 56.6% sa parehong survey, na isinagawa noong Enero 11-16.
“The strong showings of Escudero, a two-term senator, and Villanueva, a technocrat who propelled TESDA and the techvoc sector to greater heights, indicate the importance of empowering political bailiwicks and spreading the success to the other parts of the country,” ayon sa mga analyst.
Sa kaso ni Escudero, ang kanyang pagganap bilang Sorsogon governor ay nasubukan sa pandemya, kung saan patuloy siyang nagiging matagumpay, at sinamahan pa ito ng katotohanang nakatutulong sa kanya ang pagiging sikat ng kanyang celebrity wife, ang aktres na si Heart Evangelista.
Samantala, impresibo naman si Villanueva sa kanyang unang termino sa Upper Chamber, kung saan nagpasa siya ng mga makabuluhang panukalang batas upang isulong ang kanyang adbokasiya sa labor and education. Kilala bilang ‘TES-DAMAN’, si Villanueva ay kabilang sa mga mambabatas sa Senado na malinis ang attendance record sa plenaryo.
Sumusunod kay Villanueva sa survey ay sina reelectionists Senators Sherwin Gatchalian (55.4%) at Juan Miguel Zubiri (55.1%).
Nanatili si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez (50.6%) sa 5th spot, kasunod sina dating Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (6th, 49.3%), Batangas Rep. Vilma Santos-Recto (7th, 47.8%), Dr. Willie Ong (8th, 45.9%), Senator Ana Theresia Hontiveros-Baraquel (9th, 44.8%), Antique Rep. Loren Legarda (10th, 43.0%), Anak-Kalusugan party list Rep. Michael Defensor (11th, 42.7%), at Deputy Speaker at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza (12th, 40.0%).
Tabla sina Cavite Gov. Jonvic Remulla at Senador Richard Gordon sa 13th na may 36.1%, habang nahulog si Senador Francis Pangilinan sa 15th spot na may 36.0%
Ang mga administration official na inaasahang mapapabilang sa Magic 12 ng Senado ay nanatiling malayo sa last spot kung saan bumagsak si Public Works Sec. Mark Villar sa 16th sa survey na may 34.9%.
Sa kanilang poll handout, sinabi ng WR Numero Research na isinasagawa nila ang regular survey “to identify the public’s preferred senators in the coming 2022 Philippine national elections among the 35 potential candidates.”
Ang kompanya ay kumakalap ng datos sa pamamagitan ng isang mobile-app based survey na gumagamit ng river sampling technique, na tinutukoy bilang isang web-based, opt-in sampling approach upang lumikha ng sample ng respondents para sa isang single survey o panel “para sa repeated surveys over time.”
Ayon sa WR Numero Research, ang mobile app-based survey ay mayroon na ngayong halos 400,000 unique user base, kung saan ginagamit ang quota sampling method base sa geographic location, age, sex, at income upang matamo ang pro-portional representation ng voting public para sa Jan. 2021 senatorial preference poll.
Ang WR Numero Research ay gumagamit ng teknolohiya at data analytics upang sukatin ang social climate at magka-loob ng actionable insights sa political at social sentiments, attitudes, at political opinion.
Ang kompanya ay pinamumunuan ni Dr. Robin Michael Garcia, assistant professor sa School of Law and Governance sa University of Asia and Pacific. Kinuha niya ang kanyang doctorate sa Politics and International Relations sa Fudan University sa Shanghai. Ang head ng data and technology ng kompanya ay si Leo Lope Lofranco, isang research fellow sa Harvard, at isang Erasmus Mundus scholar sa University of Genoa.
Si Dr. Ador Torneo, ang chief advising social scientist ng kompanya, ay isang full professor at director ng De La Salle University’s Institute of Governance. Kinuha niya ang kanyang doctorate sa public administration sa Konkuk University sa Seoul.
Comments are closed.