ESKANDALOSONG LITRATO NI MADAME X

Maraming paintings ang nakagawa ng mga kontribersiya, ngunit wala na yatang higit pa sa  “Portrait of Madame X” ni John Singer Sargent, isang masterpiece na gumulantang sa Parisian society nang isabit ito sa Hall of 1884.

Si Virginie Amélie Avegno Gautreau ang portrait model nito, isang sikat na socialité noong panahong iyon, na kilala sa kagandahan at bold sense of fashion.

Gayunman, hindi nakakatuwa o flattering ang mga kumento dito, at kung uso na siguro noon ang social media, baka maraming nademanda ng cybelibel. Grabeng iskandalo kasi ang idinulot nito, na umalingawngaw sa buong art world.

Unang nagkaroon ng iskandalo nang ipakita ni Sargent ang painting na may titulong “Retrato de Mme,” kung saan nakasoot si Gautreau ng napakaganda at napakaeleganteng black dress na ang terante ay bumaba mula sa balikat. Para sa makalumang Parisians noon, ito ay subtle but provocative na pang-aakit at itinuturing na iskandaloso, lalo na sa babaing ang social position ay katulad ng kay Gautreau. Ginulantang nito ang mga kritiko at publiko, dahil umano sa hindi angkop na pose, pati na sa halos makamultong hitsura ng model.

Matindi ang naging pagbatikos dito, at marami ang nanunuya sa painting at sa artistic elections ni Sargent. Nakaapekto ito ng husto kina Sargent at Gautreau, at iginiit pa ng ina ni Gautreau na alisin ang painting sa Hall dahil sinisira raw nito ang reputasyon ng kanyang anak.

Masamang masama ang loob ni Sargent sa negatibong pagtanggap, kaya nagdesisyon siyang baguhin ito ng bahagya. Ipininta niya uli ang terante para nasa balikat na ito ni Gautreau, at upang matapos na rin ang mga alingasngas, at higit sa lahat, para ma-preserve ang kanyang career.

Ngunit, kahit binago ito, the damage was already done. Umalis si Sargent sa Paris at lumipat sa London, kung saan nagpatuloy siya sa pagpipinta ngunit umiiwas na sa kontrobersya.

Nanatili ang nasabing painting na simbolismo ng artistic darkness at social limits. Nang i-donate ito ni Sargent sa Metropolitan Museum of Art noong 1916, iginiit niyang itago ang pagkaka­kilanlan kay Gautreau, kaya naging “Madame X” ang titulo nito.

Ngayon, itinuturing ang “Madame X Portrait” na isang technical brilliance at bold statement ng beauty, sexuality at kahalagahan ng babae sa sosyedad. Isa ito sa pinakasikat na likha ni Sargent, at ang kanyang kwento ay patunay ng munting sinulid na naghihiwalay sa sining at iskandalo. Nananatili itong nakasabit sa Metropolitan Museum of Art sa New York.

RLVN