ESKUWELAHAN GINAWANG KANLUNGAN NG CPP-NPA

CPP-NPA

DAVAO DEL NORTE – KINONDENA ng pamunuan ng Philippine Army ang paggamit ng komunistang New People’s Army (NPA) sa isang paaralan sa kanilang opensibang gerilya na ikinasugat ng isang sundalo dahil nalagay sa alanganin ang buhay ng mga guro at mag-aaral nitong nakalipas na linggo sa Sitio Tibukag, Brgy. Palma Gil, Talaingod.

“We deplore the dastardly act of the NPA in using the school and the students and teachers as shield to cover their attack and withdrawal from the pursuit of our operating troops. The incident is viewed as a desperate move of the CNN to recover their loss as a result of the surrender and expression of support of Datu Gibang to the go­vernment,” mariing pahayag kahapon ni Brigadier Gene­ral Ernesto C. Torres Jr., Brigade Commander ng 1003rd Infantry Brigade.

Ayon kay Torres, ito ay desperadong hakbang ng CPP-NPA sa kanilang nasasakupan para masupil ang inaasahang mass defection ng buong organisasyon sa lalawigan na pinangungunahan ni Datu Gibang, na itinutu­ring na pinakamalakas na tagasuporta ng kilusang NPA sa area.

Una rito, sumalakay ang may 20 NPA subalit agad silang nasupil ng mga tauhan ng Philippine Army  56th Infantry Battalion sa Sitio Tibukag, Brgy Palma Gil matapos ang mahigit kalaha­ting oras na bakbakan bago umatras ang mga terorista.

Nabatid na nagsasagawa ng security patrol sa Sitio Tibucag ang mga tauhan ni Torres kaugnay sa Peace Rally na gaganapin sa Sto Niño, Talaingod  na susundan ng pagtatayo ng CAA Patrol Base area, nang maramdaman nila ang presensiya ng mga armadong kalalakihan may 50 metro lamang mula sa Tibucag Elementary School.

Dahil dito nahirapan ang militar na magpaputok at nalimitahan ang kanilang pagmaniobra sa pangambang may madamay na mga mag-aaral.

Kinailangan pang gu­mamit ng military chopper ang mga sundalo para madala ang kanilang sugatang kasamahan sa EMC hospital.

Natuloy rin ang peace rally kung saan nanawagan si Datu Gibang sa lahat ng kanyang mga sub-leader para magsalong ng sandata matapos ang kanilang may 20 taong pakikipaglaan sa pamahalaan para din sa kapayapaan at kaunlaran ng kanilang lalawigan. VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.