CAMP CRAME –PARA kay dating PNP Chief at ngayon ay Sen. Ronald Dela Rosa, dapat nang manahimik si Lt Col Jovie Espenido kaugnay sa pagkakasama nito sa drug list.
Payo ito ng mambabata sa ambush interview sa kaniya sa Camp Crame kahapon kung saan dumalo ito bilang guest of honor and speaker sa anibersaryo ng PNP Maritime Group.
Una nang inihayag ni Espenido na inaasahan niya na maaring ikamatay niya ang pagsasalita at posibleng sa panahong ito ay nasa gobyerno o pulis
Sagot naman ni Dela Rosa na kung ganoon ang pag-iisip ni Espenido ay makabubuting manahimik na lamang ito.
Dagdag pa ng dating PNP chief, sinisira lamang ni Espenido ang sarili at bilang miyembro ng PNP ay dapat na maging maingat ni Espenido sa pagsasalita at ilahad ang saloobin sa tamang lugar o kung ayaw papigil ay umalis na ito sa PNP.
Sa kabila nang pagkakasama ni Espenido sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte ay naniniwala si Dela Rosa na walang kinalaman ito sa transaksiyon ng droga.
Giit ni Dela Rosa, matinong pulis si Espenido at maaring mga ninja cops ang sumisira sa kaniya. REA SARMIENTO
Comments are closed.