AYAW nang pag-ukulan ng pansin ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon Jr, ang ulat na kabilang siya sa “kill list” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.
Ayon kay Esperon, bilang dating military, sanay na ito sa anumang banta mula pa noong ito ay aktibo sa sundalo.
Hindi aniya ito patitinag sa nasabing banta ng nasabing komunistang grupo.
Wala rin itong epekto sa kaniyang trabaho at lalo pa aniya nitong pagbubutihan ang kaniyang trabaho.
Magugunitang ibinunyag ni Major General Antonio Parlade Jr, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) na nagsasagawa ng Oplan Hades ang NPA para ma-neutralize ang mga kontra sa kanilang grupo.
Bukod kay Esperon ay kasama rin sa “Kill-list” si Interior Secretray Eduardo Año at National Commission on Indigenous Peoples chairman Allen Capuyan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.