ESPORTS SA TOPS ‘USAPANG SPORTS’

ANG estado ng Esports (Electronic Sports) ang sentro ng talakayan sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes (Agosto 18) sa Behrouz Restaurant, 50 Sct. Tobias-Sct. Fernandez, Timog, Quezon City.

Inaasahang ilalahad ni Arniel Gutierrez, presidente ng Esports World Federation (ESWF), ang mga pinakabagong kaganapan sa Esports, programa at katayuan ng sports sa local at international community.

Makakasama niya sa talakayan sa alas-10:30 ng umaga si Atty. Ronaldo Renta, commissioner ng Philippine National Esports League (PNEL) para bigyan ng kasagutan ang mga isyu sa nakatakdang mga torneo at sa paglahok ng Pinoy esports masters sa international league.

Kabilang din sa inimbitahan sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant si Atty. Ermar Benitez, GAB Legal Chief and Officer-In-Charge.

Inaanyayahan ni TOPS president Maribeth Repizo-Santos ng Pilipino Star Ngayon ang mga opisyal at miyembro, gayundin ang mga sports enthusiast na makiisa sa programa na mapapanood din sa TOPS officials Facebook page.