PINORMALISA ng Esportsplay Gaming ang pakikipagtambalan nito sa isa sa pinakamahusay na professional DOTA 2 teams sa mundo sa katauhan ng LGD.
Ang dalawang grupo ay opisyal na nagsanib-puwersa noong Martes upang buuin ang LGD International na mag-i-scout, mag-sasanay at magtuturo sa core players mula sa Filipinas at Southeast Asia na sasabak sa The International (T.I), ang pinakamalaking DOTA 2 tournament sa kasalukuyan.
Nilagdaan nina Esportsplay Gaming Chairman and CEO Ivan Angelo Cuevas at COO John Tse ang kontrata, kasama sina LGD General Manager Pan Fei at LGD CEO Pan ‘Ruru’ Jie, sa pagpopormalisa sa partnership sa launching na tinawag na ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD &Esportsplay Gaming’ sa Conrad Hotel.
“The country has produced many esports players. Esports Gaming is planning to solidify the Philippines in the Esports map with this collaboration with one of the best teams in the world,” sabi ni Cuevas.
“Forming one DOTA 2 team is just one vision for LGD International. With their experience training a team, I have all the confidence in the world to grow the esports community in the country,” pahayag naman ni Tse.
Ang fans, gamers, at Esports enthusiasts na dumalo sa okasyon ay nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang mga star player tulad nina Ah Jit, Chuan, at Ruru sa isang friendly match.
“We hope we can bring the Philippines esports to higher level and help Filipino DOTA 2 players succeed in international tournaments,” wika ni Ruru. CLYDE MARIANO
Comments are closed.