IMINUNGKAHI ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na isama ang mga nagtatrabaho sa food business at basic services sa listahan ng mga dapat mabakunahan.
Paliwanag ni Marcos, “sila ay tinaguriang APOR o authorized person outside of residence, na magtrabaho at kumita kung kaya’t nararapat lang na sila ay mabakunahan.”
Nagkaroon na ng roll-out ng pagpapabakuna sa essential workers ngunit marami pa rin ang hindi nababakunahan, ayon kay Bongbong.
Sa mga naunang pahayag ng DOH na humigit-kumulang sa 2 milyong essential workers pa lamang ang nababakunahan mula sa target na 28 milyong manggagawa.
“Kailangan din po nating isipin na marami sa mga essential workers ay nakatutok sa paghahanapbuhay at ang malaking bilang sa kanila ay arawan lang ang kita kaya hindi sila agad- agad makakapag-absent sa trabaho dahil mababawasan ang kanilang kita,” giit ni Marcos.
“Kung sila ay nabakunahan, mapapawi ang kanilang takot na mahawaan ng virus kung sila ay magtatrabaho para may kabuhayan para sa kanilang pamilya,” dagdag ni Marcos.
“Malaking tulong kung magawan din ng paraan ng mga local government kung paano sila mapabakunahan kahit okupado sila sa oras ng kanilang trabaho,” sabi ni Marcos.
Dagdag pa niya na maaring maglaan ng LGU teams na puwedeng magbakuna sa gabi pagkauwi nila mula sa kani-kanilang trabaho.
“Ngunit ang mas matinding hamon ay ang supply ng vaccines. Ako ay umaasa at nanawagan sa IATF at mga namumuno sa LGUs na unahin ang mga essential workers sa listahan ng babakunahan kapag mayroon ng supply ng vaccines,” pahayag ng dating senador.
798461 801063Identified your weblog and decided to have a study on it, not what I normally do, but this blog is amazing. Awesome to see a internet site thats not spammed, and truly makes some sense. Anyway, great write up. 300416
818976 544721I like this weblog really considerably, Its a rattling good billet to read and locate info . 558747
780693 473840You created some decent points there. I looked on the web for the difficulty and discovered most individuals will go coupled with along together with your website. 34393