ESTATE TAX AMNESTY PINALAWIG HANGGANG 2023

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyang maging batas ang panukalang magpapalawig pa ng dalawang taon sa estate tax amnesty.

Ang Republic Act No. 11569, na inaprubahan ng Pangulo noong Hunyo 30, 2021 para sa nagnanais maka-avail ng amnestiya mula Hunyo 15, 2021 hanggang Hunyo 14, 2023, at mag-file lamang sa Revenue District Office ng Bureau of Internal Revenue, kung saan sila sakop, ng kanilang sinumpaang Estate Tax Amnesty Return, na bahagi kung saan nakasaad ang Implementing Rules and Regulations.

Ang payment para sa amnesty tax ay gagawin sa oras na naisumite ang estate tax return.

Para sa non-resident decedents, ang Return ay dapat mai-file kasama ang amnesty tax na babayaran sa RDO No. 39, o sa iba pang RDO kung naka-indicate sa IRR.

Ang RDO naman ang maglalabas at mag-eendorso ng acceptance payment form, alinsunod sa itinakda ng IRR para sa authorized agent bank.

Ang revenue collection agent o municipal treasurer ang tatanggap ng tax amnesty payment.

Ang availment ng amnesty at issuance ng corresponding acceptance payment form ay hindi nangangahuluhan ng admission of criminal, civil or administrative liability sa panig ng availing estate, ayon sa bagong tax law.

Ang kalihim ng Finance, katuwang ang BIR commissioner, ang maglalabas ng kaukulang rules and regulations para sa epektibong pagpapatupad ng batas sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.

Epektibo ang batas 15 araw makaraan ang paglalathala nito sa Official Gazette o sa mga pahayagan na may general circulation. EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “ESTATE TAX AMNESTY PINALAWIG HANGGANG 2023”

  1. 23951 528898I discovered your blog internet web site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the quite good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far far more on your part down the road! 753482

Comments are closed.