KASABAY ng unti-unting pagliwanag ng kalangitan, lumiwanag din ang kinabukasan ng mga taga-Borongan, Eastern Samar sa hatid na pag-asa ng tambalan ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Maging ang kalikasan ay nakiisa sa pag-asang dala ng BBM-Sara UniTeam dahil sa paghina ng malakas na ulan nang dumating ang pinakapinag-uusapang kandidato sa pagka-presidente na si Marcos at ibang UniTeam senatorial candidate.
Tinanggal ng mga estehanon ang kanilang mga payong, sigaw nila ‘walay payongay’ ibig sabihin walang magpapayong na nagpakita ng tunay na pagmamahal nila sa BBM-Sara UniTeam.
Ayon kay Marcos, sa kabila ng malakas na ulan sa lalawigan ay hindi siya nagdalawang- isip na balikan sa pangalawang pagkakataon ang Borongan, Eastern Samar.
“Pinayuhan ako mga piloto na delikado ang pagpunta sa Borongan dahil sa masamang panahon pero pinilit ko dahil kailangan mapuntahan ko sila hinihintay nila ako,” ayon kay Marcos.
Humanga din ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas sa mga taga-Borongan dahil hindi siya iniiwan sa kabila ng pabugso-bugsong ulan.
“Kala ko kapag umuulan lumalamig, pero dito sa Borongan, mainit! dahil sa mainit na pagtanggap niyo sa akin at sa UniTeam, sobra iyong pagmamahal niyo sa amin, hindi niyo kami iniwan kahit umuulan, walay payongay,” sabi ng pambato ng PFP.
Dagdag pa ng dating senador na nasaksihan niya ang sinasabing ‘Marcos’ weather na kung saan humihinto ang ulan kapag Marcos na ang nagsasalita.
“Totoo pala yung sinasabi nilang Marcos weather na kapag Marcos na ang nasasalita humihinto ang ulan, talaga naman na pati ang kalikasan nakikiisa sa atin,” sabi pa ni Marcos.
Sabi naman ng magbabalik na bise gobernador ng Eastern Samar na si Dindo Picardal, may totoong puso para sa paglilingkod para sa bayan at magbibigay ng pag-asa para sa Pilipinas si Marcos at Duterte.
“Si Marcos ang totoong nagmamahal sa bayan, sila ang tunay na magbibigay pag-asa sa Pilipinas lalo na dito sa Borongan, sa mga Estehanon kaya dapat si Bongbong ang sumunod na pangulo ng bansa at si Inday Sara ang kanyang maging bise presidente,” ayon kay Picardal.
Binigyan diin din ng tumatakbong gobernador na hindi importante ang kulay ang importante ay kung ano ang nasa puso katulad lang aniya na hindi mahalaga ang nakaraan ang mahalaga ang kinabukasan ng bansa.
“It’s not about color, it’s about what’s in the heart, like, it’s not about the past but it’s about our future and our future is BBM-Sara UniTeam,” dagdag pa ng magbabalik bise gobernador.
Ikinatuwa naman ni Alejandro Duzon na isang senior citizen na 95 years old ang pagpunta ng dating senador, isa si Tatay Alejandro sa mga tumayo at naghintay sa pagdating ng BBM-Sara UniTeam.
“Isa akong Marcos Loyalist, gustong -gusto ko makita si BBM, 95 years old na ako pero pumunta ako dito para makita si BBM pati na rin si Mayor Inday, alam ko na si Bongbong ang pag-asa ng bayan natin katulad ng kanyang ama,” ayon sa matanda.