BUMUO ng “Estero Rangers” ang Manila Department of Public Safety na siyang tututok sa paglilinis ng mga estero sa Maynila.
Pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang lingguhang ulat sa mamamayan na itinatag ang nasabing grupo upang maglinis ng basura sa mga estero.
Ayon sa alkalde, napakaraming ilog sa Maynila ang kailangang linisin kaya naman nakiusap ito sa publiko na huwag nang mag-tapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.
Aniya, kapag nagbara ang mga basura sa mga estero ay magiging stagnant water at ito ang dahilan para pamugaran at pangitlogan naman ng lamok na may dalang dengue.
Kapag nagkasakit naman aniya ng dengue ang ating mga anak ay mangangailangan din ng dugo at gagastos sa gamot kaya dapat aniyang ilagay sa tamang sisidlan ang basura at hintayin na lamang ang trak ng basura. PAUL ROLDAN
Comments are closed.