MINDANAO- ITINALAGA ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. si Maj. Gen. Jonnel Estomo bilang bagong pinuno ng Area Police Command – Western Mindanao (APC-WM).
Pinalitan ni Estomo si Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na nagretiro nitong Huwebes nang maabot ang edad na 56.
Si Estomo ay naging Director ng Directorate for Plans (DPL) ng PNP.
Samantala, pinalitan naman ni BGen. Nicolas Salvador, si Estomo bilang officer in charge ng DPL.
Bilang APC-WM chief, si Estomo ang mangangasiwa sa mga operasyon ng pulisya sa Region 9 (Zamboanga) Region 12 ( Socsargen) at PRO BAR (Bangsamoro Autonomous Region). Mindanao.
Si Estomo ay nagsilbi ring hepe ng Police Regional Office (PRO) 5 (Bicol), National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP Anti-Kidnapping Group at miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1992. EVELYN GARCIA