INAASAHANG bubuksan na sa mga motorista ang Chinese grant-funded Estrella-Pantaleon Bridge sa second quarter ng 2021, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa isang statement, sinabi ni Public Works Secretary Mark Villar na ang proyekto ay 72 porsiyento nang kumpleto matapos ang isinagawang tech-nical inspection kahapon.
Ang P1.46-bilyong widening at modernization ng Estrella-Pantaleon Bridge ay kayang mag-accommodate ng 50,000 motorista kada araw sa sandal-ing matapos ito. Magdurugtong ito sa Estrella Street sa Makati City at sa Barangka Drive sa Mandaluyong, dahilan para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Guadalupe Bridge sa EDSA.
“By March connected na ‘yung bridge and by the first half of the year, makukumpleto na,” ani Villar. Sinabi pa ng kalihim na ang konstruksiyon ng tulay ay “8 percent ahead of schedule.”
Hanggang kahapon, ang lahat ng bridge substructure works sa abutments ng magkabilang tabi; piers sa Makati approach, gayundin sa main bridge; at ang V-shaped piers para sa main bridge ay nailagay na.
“Also completed are concrete pouring works for four segments of prestressed concrete girder in Mandaluyong side and concrete pouring works for the first lift of box girder for the approach bridge in Makati,” ayon sa DPWH.
Comments are closed.