ESTUDYANTE HINATAW SA ULO NG GOLF CLUB

golf club

CALOOCAN CITY – NASA kritikal na kalagayan ang 18-anyos na estudyante matapos hatawin sa ulo ng golf club ng isa sa miyembro ng kanilang kalabang grupo matapos mag­rambulan.

Kinilala ni Caloocan deputy police chief for administration Supt. Ferdinand Del Rosario ang biktima na si Miguel Cabarda ng 172 6th Street, 11th Avenue, Brgy. 89, na ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong sugat sa ulo.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, alas-10:30 ng gabi, naglalakad si Cabarda sa kahabaan ng 4th Avenue papunta sa kalapit na tindahan nang komprontahin ito nang kanilang kalabang grupo na pinamunuan ni certain Oyo Cordova, ng 275 4th St. 11th Ave-nue, Brgy. 90.

Para sa kanyang kaligtasan, tumakbo ang biktima at hu­mingi ng tulong sa kanyang ka-grupo na naging dahilan upang mauwi sa rambulan ang magkalabang grupo.

Nagawang makakuha ni Cordova ng golf club at hinataw sa ulo ang biktima na duguang bumagsak sa semento dahilan upang mabilis na isugod ng kanyang mga kaibigan sa naturang pagamutan.

Nagsagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis subalit, nabigo ang mga ito na maaresto si Cordova at kanyang mga kasamahan.      VICK TANES

Comments are closed.