ISABELA – BAGAMAN patuloy ang paalala ng mga kinauukulan na huwag magbibiro hinggil sa bomba, mayroon pa ring nahuli dahil dito.
Isang binatilyong estudyante ang nadakip dahil sa bomb jokes sa loob ng isang kilalang mall sa lungsod ng Cauayan at dinala sa himpilan ng pulisya.
Kinilala ang hinuling mag-aaral na si Genaro hindi tunay na pangalan na nagbiro habang iniinspeksiyon ang dala niyang bag habang papasok ito establisimiyento sa Cauayan City, Isabela.
Batay sa ulat ng PNP Cauayan, habang kinakapkapan ng guwardiya ang menor ay pabulong na nagbiro ito na may eksplosibo sa loob ng kanyang bag.
Dahil dito dinampot ang estudyante at dinala sa tanggapan ng malls at iginiit na hindi niya alam na mali ang kanyang nagawa.
Napag-alaman na kaya siya nagbiro ay dahil sa isang pagsubok umano sa kanya ng kanyang mga barkada at lalo na umano ay kasama niya ang kanyang nililigawang kaklase. IRENE GONZALES
Comments are closed.