ISABELA – NAALARMA ang mga awtoridad matapos makarating sa kanilang kaalaman na may kinarnap na isang kotse alas-11 ng umaga sa Ilagan City.
Kaagad namang inatasan ni P/Lt. Col. Mariano Rodriguez provincial director ng PNP-Isabela, na magsagawa ng isang bloking force kung saan maaaring dumaan ng mga carnaper.
Ayon kay P/Capt. Rustom Ortigueros, hepe ng Quirino Police Station, hindi pa nagtatagal ay namataan na nila ang isang kotse sa lugar ng Barangay Sta Lucia, Quirino, na may plakang XMR-854 na pagmamay-ari ni Sherwin Balisi, 36, isang guro at residente ng San Vicente, Ilagan City.
Agad namang pinahinto ang kotse na sakay ng dalawang suspek na si Jun Langay, 18-anyos, at isang 15-anyos, kapwa studyante at residente ng Barangay San Mateo, Quirino.
Ang dalawang suspek ay out of- school youth at estudyante, na kanilang naaresto matapos na maaktuhang sakay ng nawawa-lang kotse.
Inamin naman ng mga suspek na napagtripan lamang nilang nakawin ang kotse at sinakyan pauwi sa Quirino.
Sasampahan ng kaso ang dalawang kabataan na tumangay sa kotse na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-Quirino. IRENE GONZALES