ESTUDYANTE NAGBIGTI DAHIL SA DEPRESYON

PATAY na nang matagpuan ng ina ang kanyang anak na isang estudyante habang nakabitin sa loob ng kanilang bahay dahil sa depres­yon sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police investigator MSg. Philip Edgar Valera, dakong alas-5 ng madaling araw nang madiskubre ang biktimang si alyas “Randy”, 21-anyos ng kanyang ina na nakabigti ng nylon cord sa bubong ng kanilang bahay sa Blk 12 Lot 2, Phase 1B, Kaunlaran Village.

Kaagad pinutol ang nylon cord ng isa kanilang miyembro ng pamilya at mabilis na isinugod ang biktima sa Tondo Hospital subalit, idineklara itong dead on arrival.

Base sa salaysay sa pulisya ng ama ng biktima, noong nakaraang 2021 ay palagi nilang nakikitang malungkot ang kanilang anak sa bahay nila dahil sa COVID-19 pandemic at hindi na nakakapag-aral kaya’t pinayuhan itong ipagamot ang kanyang mental disorder.

Sinabi pa ng ama na maraming beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang biktima sa kanyang silid. EVELYN GARCIA