CAVITE – ISANG 18-anyos na estudyante ang nasawi nang kumain umano ng chocolate cookies sa Imus, Cavite.
Bukod kay Mark Joseph Tan, may anim na iba pa ang naospital matapos umanong kumain ng nasabing cookies.
Galing umano sa kanilang classmate ang home made cookies at nang kumain ay sumakit ang tiyan, nahilo, at dumumi.
Sabay-sabay rin umanong nangati at hindi makahinga ang mga magkakaklase kaya mabilis silang itinakbo sa pagamutan.
Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang matiyak kung ang kinain na cookies ang sanhi ng ikinamatay at nakalason. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.