CAMP AGUINALDO – LABINSIYAM na kolehiyo at unibersidad ang tinukoy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinasok na ng makakaliwang grupo para mag-recruit sa mga estudyante upang patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP assistant deputy chief of staff for operations (J3) B/Gen. Antonio Parlade Jr., halos lahat ng mga paaralan sa Metro Manila ay napasok na ng makakaliwang grupo.
Sinabi ni Parlade na posibleng walang alam ang mga school official sa recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP) maliban na lamang sa mga pamantasan na notoryus sa school activism.
Estilo aniya ng mga komunista na magkaroon ng mga film showing at ipinakikita ang masamang sinapit ng bansa sa Martial Law. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.