ESTUDYANTE, RESIDENTE BINALAAN VS KEMIKAL 

Toluene

MAYNILA – MAHIGPIT ang babala ng Bureau of Fire Protection at Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga residente ng Barangay 410 at maging sa mga estudyante na iwasan ang kalsadang natapunan ng kemikal noong Sabado.

Ayon sa ulat, nasa 100 hanggang 150 litro ng kemikal na toluene ang natapon nang bumangga ang container van sa harap ng Arellano University sa Legarda noong Sabado ng umaga.

Matapos ang ilang oras na pagkakahambalang ay naialis na sa kalsada noong hapon ng araw ring iyon ang naaksidenteng container van.

Magugunitang Sabado ng umaga nang bumangga ang truck sa isang pader sa harap ng unibersidad.

Dahil dito ay isinara ang kalsada sa mga motorista dahil sa panganib ng naturang kemikal sa kalusugan ng tao.

Ayon kay BFP – Special Rescue Unit Chief Inspector Mariano Taguiam, maa­aring makairita sa ba­lat ng tao ang kemikal sakaling malanghap ito. MHILLA IGNACIO

Comments are closed.