ETEEAP LAST CHANCE PARA MAKATAPOS SA KOLEHIYO

Kaye Nebre Martin

Nakagugulo talaga ang ETEEAP. Ano nga ba ito? Ito raw ang acronym para sa Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program, isang alternatibong programa ng edukasyon sa Pilipinas na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong nagtatrabaho na ngunit hindi nakapagtapos, o hindi man lang nakapag-umpisa, sa kolehiyo. Tulad ko.

Dahil sa napakaraming dahilan, imposible na akong makatapos sa tradisyunal na paraan, kaya nang makita ko ang ETEEAP, nagkaroon ako ng konting pag-asa. Konti lang, dahil hindi pa ako nakakapag-enroll. Marami kasing hinihinging requirements.

Sa programa at sistemang ito, ang mga nagtatrabahong empleyado o kaya yung mga may sariling negosyo na may karanasan at kasanayan sa mga ito sa loob ng lima o higit pang taon, ay pwedeng magamit na kapalit ng unit o credit ng mga asignatura o subject sa kolehiyo. Sinusuri ng ETEAAP ang mga kasanayan at karanasan sa trabaho o hanapbuhay ng isang aplikante at bibigyan nila ito ng katumbas na credit o unit para doon sa mga asignatura ng ba­chelor’s degree.

Pwede rin ang mga hindi-pormal na pagsasanay, seminar at mga training na pinagdaanan at nakamit ng isang aplikante sa kanyang hanapbuhay o trabaho. Mas maraming credit, mas konti ang kukuning subjects, kaya kaunti na lang na subject ang kaila­ngang i-enroll para makatapos university degree.

Ang ETEEAP ay inilunsad sa bisa ng Executive Order Number 330 (EO#330) ni Pangulong Fidel V. Ramos noong Mayo 10, 1996 kaya legal ito, sa pa­ngangasiwa at pagpapatupad ng Philippine Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Deputized Colleges and Universities o Deputized Higher Education Institutions (DHEI). Kapag ETEEAP graduate, para na rin silang nagtapos sa regular o standard na programa.

Ang maganda dito, basta Pinoy ka, nasa abroad ka man o andito sa Pilipinas, pwede ka sa ETEEAP. Kailangan mo lang syempre ang birth certificate, patunay na Filipino citizen ka talaga.

Sa reguar na proseso, may limitadong bilang ng units na pwedeng i-enroll. Limitado din na bilang ng araw para sa isang semester. Halimbawa, papayagan hanggang walong subject lang sa isang semester, na katumbas ng 24 units.

Meron ding tinatawag na minimum residency. Kahit pa natapos ng estudyante ang lahat ng requirement nang mas maaga rito, kailangang tapusin din ang minimum residency sa iskwelahan.

By the way. Edad 23 pataas lamang ang tinatanggap sa ETEEAP, at bago mag-enroll ang isang estud­yante ay kailangan muna niyang mag-submit ng lahat ng katibayan ng kanyang acquired skills habang siya ay nagtatrabaho, na suportado ng mga dokumento katulad ng employment certificate at detalyadong mga tungkulin at atas ng aplikante sa kanyang trabaho na nilagdaan o certified ng kanyang boss.

Kung may mga seminar at mga training na nadaluhan at napagdaanan niya ay pwede rin niyang i-submit ang mga ito. Ang lahat ng ito ay maaaring mabigyan ng katumbas na credit o unit. Mas maraming certificates, training, seminar at mga nakamit na mga award sa ibat-ibang larangan ang isang aplikante, mas marami ang nababawas na mga unit at subject na kailangangang i-enroll kaya pwedeng makapaagtapos sa loob lamang ng 6 hanggang 18 buwan lamang.

Para mabigyan ng Classroom Learning Credits (CLC) sa ETEEAP, ito ang mga dapat isumite:
Certificate of Employment sa inyong kasalukuyang trabaho.

Detalyadong atas o function ninyo sa inyong trabaho. Ito ay tinatawag ding Detailed Functions and Responsibilities (DFR)
Certificate of Employment sa inyong nakaraang trabaho.

DFR sa inyong nakaraang trabaho.

Kung kayo ay may sariling negosyo, pwedeng magpagawa ng certificate mula sa tatlo o mahigit pang client o customer ninyo.

Mga organisasyon na sinalihan ninyo. May atas ba kayong ginampanan doon na pwedeng igawan ng certificate ng inyong mga leader?

Kayo ba ay aktibo sa inyong simbahan? Anong mga atas ninyo ang pwedeng magawan ng certificate?

May mga seminar at training ba kayong nadaluhan o napagdaanan?

May mga proyekto ba kayong nagawa?

May mga short course ba kayong natapos?

Kayo ba ay nagkaroon ng mga award, tropeo o medalya sa isang larangan? May certificate din ba ito o larawan na pwede ninyong isama sa inyong mga credential.

Ngayong laganap na ang Internet, mas adali na ang ETEEAP dahil karamihan na sa mga ETEEAP-deputized na unibersidad ay may online asynchronous learning (OAL) system na

Sa ngayon, bachelor’s degree muna ang pagtuunan natin ng pansin. Saka na ang masteral at doctoral dahil ang kailangan lang muna sa ngayon ay makatapos ng isang kurso.