ETERNAL CHAPELS SA NAGA CITY, PINASINAYAAN

ETERNAL CHAPELS

PINASINAYAAN nitong nagdaang Sabado, Pebrero 16, 2019 ang Eternal Chapels Mortuary at Chapel Services ng Eternal Gardens sa Barangay Balatas, Naga City.

Dinaluhan ito ng local government officials sa pangunguna ni Naga City mayor John G. Bongat. Sinalubong sila ng Eternal Chapels executives sa pamumuno ni chairman at chief executive officer D. Edgard A. Cabangon.

Sinimulan ang selebrasyon ng isang thanksgiving mass na pina­ngasiwaan nina Most. Rev. Rolando J. Tria Tirona, O.C.D, D.D., Archbishop of Caceres, at Fr. Eric Bobis. Sinundan naman ito ng blessing of the hearses, four viewing chapels, mortuary facility, at chapel office.

Sa mensahe ni Ma­yor Bongat, pinasalamatan nito ang Cabangon Family at Eternal Group sa pagpili sa Naga City bilang site of their investment sa Bicol Region. “I am very happy, on behalf of the city government, for the investments that keep on pouring from the Cabangon family, and the Eternal Group of Companies. From the very name itself, ‘Eternal,’ your investments here will definitely be eternally beneficial to the city, the people of Naga, and to the entire Bicol region,” ani Mayor Bongat.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Cabangon kay Archbi­shop Tirona sa panganga­siwa sa thanksgiving mass at blessing sa Eternal Chapels, at sa special guests, lalong-lalo na kay Mayor Bongat sa pagdalo nito sa katangi-tanging event. “Nagpapasalamat kami at wala kayong sawa sa pagdalo sa mga okas­yon ng Eternal Group,” pahayag nito. Addressing Mayor Bongat and the other local officials present, Cabangon said, “The least we could do is to provide quality products and services for your constituents, upang masuklian namin ang inyong pagtanggap sa aming grupo. Kaya muli, maraming salamat.”

Pinasalamatan din ni Cabangon ang Eternal sales team sa ibinigay nitong suporta. “Gusto ko rin pasalamatan ang ating sales agents for eternally supporting our group. Maraming salamat sa inyo,” pagtatapos nito.

Idinisenyo ni Architect Lerma E. Balolong, ang Eternal Chapel Naga na ikalawa sa full service mortuary and chapel na binuksan ng kompanya, pagkatapos ng Eternal Chapels Cagayan de Oro na sinimulan noong 2017.

Dumalo rin sa blessing at Inauguration ng Eternal Chapels Naga ang mga opisyal nito na sina D. Antoinette C. Cabangon – Jacinto, treasurer; Jaime B. Bangalan, vice president for Mortuary & Chapel Operations; Marvin C. Timbol, vice president for Finance; Jose Antonio V. Rivera, vice president for Marketing, at Richard B. Bringas, branch manager.

Bahagi ng ALC Group of Companies ang Eternal Chapels na itinayo ni late Ambassador Antonio L. Cabangon Chua.

Comments are closed.