ETERNAL GARDENS @ 42: PATULOY SA PAGSESERBISYO

Eternal Gardens

Una, ang pagkakaroon ng modern memorial park para sa mga Filipino na itinayo sa bansa, kasama na rito ang konsepto sa paghahanda sa kahahantungan ng buhay ng bawat Filipino.

Ngayon, sa ika-42 na anibersaryo, ipinagpapatuloy ng Eternal Gardens ang kanilang layuning maabot at mapagsilbihan ang mga mamamayan hindi lamang sa pagbubukas ng maraming parks kundi sa pagpapalawak ng mga ihahandog na serbisyo at produkto.

Ang nasabing kompanya ay naghahandog ng crematory services, memorial chapel and mortuary services at memorial plans para matulungan ang bawat pamilya sa isang pangyayaring alam naman ng lahat na kakahantungan ng bawat buhay, ngunit hindi nga lang tiyak kung kailan.

Lumago ang kompanya nang tuluyang kinilala ng founder nito, si Amb. Antonio L. Cabangon Chua, ang kanilang tungkulin na bigyan ng maayos at disenteng memorial service ang taumbayan, at kagalang-galang na pahingahan ang mga yumao. Isang pahingahang kakaiba sa mga masisikip at congested na church-run-cemeteries.

Nagsimula ang Eternal Garden sa working class community sa Baesa, Caloocan noong Agosto 11, 1976.  Sinuportahan siya at tinulungan ng mga taong ang layon ay kagaya rin ng sa kanya. “My dream was to bring first-class memorial parks and services to our people to ease the pain and grief of losing a loved one. That was the vision that strengthened us, the pioneering leaders of Eternal Gardens, to persist and persevere,” saad nito sa kanyang mensahe para sa Eternalities.

Eternal GardensAng kauna-unahang park sa Baesa ay naging matatag at kapaki-pakinabang na ngayon ay mayroon nang 10 memorial parks sa mga pangunahing lugar sa bansa. Isinunod sa Baesa Park ang Dagupan noong 1993; Biñan, 1984; Barangay Balagtas, 1986, at Barangay Concepcion noong 2011, na parehong nasa Batangas City; Lipa, ang ikatlo sa Southern Tagalog province, 1992; Naga City, 2000; Cabanatuan City, 2004; City of Santa Rosa sa Laguna, 2008, at ang 10th park to date, sa Cagayan de Oro’s Greenhills Park.

Unang naging hakbang ng Eternal Gardens ay nang itayo ng sister publication nito, ang Eternal Crematory Corporation ang mga pasilidad sa Eternal Gardens site noong Marso 10, 1996. Sinundan ito ng iba pang crematory sa Eternal Gardens Biñan sa Laguna, na naging daan upang ang Eternal Crematory ang maging kauna-unahang korporasyong nakapaghahandog ng cremation services sa south ng Metro Manila.

Dahil sa patuloy na pagtangkilik sa cremation bilang alternatibo sa ground burial, ang Eternal Crematory ay nagbukas din ng cremation facilities sa mga branch ng Eternal Gardens sa Dagupan at Batangas.

Ang apat na crematory facilities—sa Baesa, Biñan, Dagupan at Batangas – ay tinanggap ng mga tao, samantalang sa Baesa naman ay in-extend ng kompanya ang columbarium, isang structure kung saan  itatago o ilalagay ang ash remains na nakalagay sa urn, ito ay para ma-accommodate ang lumala­king demand ng cremation facilities.

Eternal GardensNoong 2017, nag-venture ang Eternal Gardens sa mortuary business nang buksan ang Eternal Chapels Mortuary and Chapel Services sa Eternal Gardens Greenhills sa Cagayan de Oro City.

Dahil sa magandang resulta sa pagbubukas ng mortuary Chapel sa Cagayan de Oro, sinimulan na rin ng kompanya ang pag-e-establish ng Eternal Chapels and Mortuary Services sa Eternal Gardens sa Barangay Balagtas, Naga City. Inaasahan itong magiging operational ngayong taon.

Samantala, kasosyo naman ng Eternal Memorial Chapel and Funeral Services sa Eternal Gardens Santa Rosa ang Andal family na siyang nagmamay-ari ng facility.

Sa 42nd taon ng kompanya, magbubukas ito ng kanilang ika-11 na Eternal Gardens memorial park sa Cabuyao, Laguna. Ang nakaplanong bagong parke, ang ikatlong park na matatagpuan sa Laguna matapos ang branches sa Biñan at Santa Rosa, ito rin ang siyang tutupad sa layunin ng kompanyang makapag-lingkod pa sa mas mara­ming Filipino.

Ipinagpapatuloy rin ng Eternal Gardens ang pagpapalawak pa ng kanilang existing parks saEternal Gardens pamamagitan ng pag-develop ng sections na makapag-a-accommodate ng mas maraming burial lots. Patuloy ang mga ginagawang pagpapalawak sa Dagupan, Naga at Cabanatuan.

At para masuportahan ang nasabing expansion, patuloy ang matatag na samahan o partnership ng Eternal Gardens at sister-company nitong Eternal Plans, ang leading provider of preneed products. Ang Eternal Plans ay itinayo ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua noong 1981 para matugunan ang memorial lot and services business ng Eternal Gardens.

Sa pamamagitan ng life plan coverage, mas magiging madali na sa bawat pamilya ang makamit ang maayos na memorial lots at services nang walang inaalala.

Bukod sa memorial products, naghahandog din ang Eternal Gardens ng local at imported na urns na gawa sa wood, marble, bronze, steel at glass na may iba’t ibang laki. Maaari itong ilagay sa exquisite crypts sa park na hanggang  tatlo ang kasya.

Ang mga ito ang magbibigay sa Eternal Gardens ng pagkakataong makapag-provide sa pamilya ng mga Filipino sa memorialization needs.

Comments are closed.