Ipinagdiriwang ngayon ng mga Kristiyano ang Pista ng Pagbabagong-anyo ni Hesukristo, na isa sa makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng Kristiyanismo.
Ang pagbabagong-anyo ni Hesukristo ay isang katangi-tanging milagro sa simbahan na natunghayan ng mga Apostol. Isa itong pangitain na nagpapatunay sa kanyang muling pagkabuhay. Matatagpuan ang mga patunay na ito sa apat na Ebanghelyo: Matthew 17:1-9; Mark 9:2-8; and Luke 9:28-36, kung saan si Kristo ay sinasabing umakyat sa isang bundok at sa harap nina Pedro, Juan at James ay nagbagong-anyo. Ang kanyang mukha ay nagningning tulad ng araw, at ang Kanyang kasuotan ay naging makislap na puti.
Sa kanyang pagbabagong-anyo, nasilayan ng mga Apostol ang mga propetang sina Moses at Elijah. Si Kristo, na tumayo sa pagitan ng dalawa at nakipag-usap sa kanila, ay nagpakita sa mga disipulo bilang katuparan ng Batas at ng mga propeta.
Sa kanyang pagbabagong-anyo, narinig din ng mga Apostol ang boses ng Diyos Ama na nagsasabing: “Ito ang pinakamamahal kong Anak (Mateo 17:5). Ito rin ang salitang sinabi noong si Kristo ay binautismuhan sa Jordan (Mateo 3: 17).
Ang Eternal Gardens, bilang pagtataguyod ng debosyon sa Pagbabagong-anyo ni Hesukristo ay naging aktibong ka-partner ng simbahan sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng pananampalataya sa buhay na walang hanggan. Ito ang kahulugan ng slogan ng kompanya na “isang sulyap ng langit sa kapirasong lupa (a glimpse of heaven on a patch of earth)”.
Ang kauna-unahang imahen ng Pagbabagong anyo ni Hesukristo ay matatagpuan sa pioneering branch ng Eternal Gardens sa Baesa, Caloocan City na binuksan noong Agosto 11, 1976. Ang malaking pigura ay gawa sa steel at bronze na idinisenyo ni Pambansang Artista Napoleon Abueva. Naging bantog na palatandaan ito sa lugar kung saan nagsisimula ang North Expressway.
Matapos na maitayo ang kauna-unahang park, siyam na sangay ng Eternal Gardens ang binuksan at bawat branch nito ay may kanya-kanyang bersiyon ng iconic statue of the Transfiguration of Jesus. Ang mga sangay na ito ay matatagpuan sa Dagupan City, Pangasinan; Biñan City sa Laguna, Barangay Balagtas at Concepcion sa Batangas City, Lipa City, Naga City, Cabanatuan City, Santa Rosa City, Laguna; at Cagayan de Oro City. Malapit na ring magbukas ang ika-11 na branch ng Eternal Gardens sa Cabuyao City, kung saan magbibigay ito sa Laguna ng ikatlong Transfiguration of Jesus.
Sa pagdiriwang ng Pagbabagong Anyo ni Hesukristo, magkakaroon ng mga misa sa sampung sangay ng Eternal Gardens na dadaluhan ng sales force members, officers, staff at crew. Pagdiriwang na rin ito ng mga sangay sa ika-42 na anibersaryo ng kompanya sa Agosto 11, 2018.
Comments are closed.