Sa pagnanais na makapaglingkod at makatugon sa pangangailangan ng mga Filipino, inilunsad kamakailan ng Eternal Life ang Pamilya Edition ng micro pre-need life nito. Ang pinakaabot-kayang life plan na ito ay handog para sa mga menor na may edad isa hanggang 17. Maaari na ngayong maibilang ng mga miyembro ng micro pre-need, Etenal Life plan, ang kanilang mga anak sa memorial services. Sa tagline nitong “buong pamilya protektado”, nagbibigay na ngayon ng memorial services ang Eternal Life plan para sa buong pamilya. Hindi man prayoridad ang life plan sa pangunahing pangangailangan ng mga Filipino, gagastos lamang ng P700.00 kada taon para sa mga planholder at P300.00 para sa kanilang dependents. Kahit na ang mga Filipinong mayroon lamang mababang kinikita ay makapagbibigay na ng life plan na may P20,000 halaga ng memorial services para sa buong pamilya. Sa Eternal Life, ang mahihirap at mga bata ay magkakaroon na ng life plan.
Ang Eternal Life plan ay kauna-unahang micro pre-need product na aprubado ng Insurance Commission. Ang pinalawig na Pamilya Edition ay una ring life plan na nagbibigay prayoridad sa mga menor.
Comments are closed.