ETERNAL PLANS PINAPURIHAN NI DUTERTE SA KANILANGIKA-40 ANIBERSARYO

PRES DUTERTE

PINAPURIHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matatag na komitment ng industry leader Eternal Plans, Inc. sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga kliyente.

Sa isang mensahe sa kompanya para sa ika-40 anibersaryo nito, tinukoy ni Duterte ang mahalagang papel na ginagampanan ng Eternal Plans sa pagtulong sa mga planholder na masiguro ang kanilang kinabukasan.

“For decades, you have assisted your clients in securing their future through your pension, education and memorial life plans,” pahayag ni Duterte.

Ipinarating din ng Pangulo ang kanyang mga mithiin sa kompanya, at nagpahayag ng pag-asa na “this milestone may further inspire the men and women of Eternal Plans to continue striving for excellence and setting the standards in the pre-need industry.”

Ang Eternal Plans ay itinatag noong 1981 ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua bilang tagapagkaloob ng pre-need products na tumutugon sa basic needs ng mga Filipino.

Pagkalipas ng 40 taon ay nanatili itong isang pinagkakatiwalaang pre-need company na committed sa “Keeping the Passion to Build Better Lives for 40 Years More,” na siyang tema ng kanilang selebrasyon.

Ang Eternal Plans ay miyembro ng ALC Group of Companies, na pinamumunuan ng chairman nito na si D. Edgard A. ­Cabangon.

Comments are closed.