ETERNAL PLANS PINURI NG IC CHIEF SA PAGPAPASIMULA SA MICRO PRE-NEED PLANS

ETERNAL PLANS-4

TATLUMPU’T siyam na taon makaraan ang pagkakatatag nito, patuloy na pinangungunahan ng Eternal Plans Inc. ang pre-need industry tungo sa full recovery, sa pagpapatupad ng renewable memorial life plan na kilala bilang ‘Life Plan ni Juan’ na abot-kaya sa lower-income families.

Sa kanyang mensahe sa 39th anniversary ng Eternal Plans noong nakaraang Marso 4, nagpahayag ng kasiyahan si Insurance Commissioner Dennis B. Funa na sa 39 na taon at nagbibilang pa, ang Eternal Plans ay patuloy na nangunguna sa pagsusulong sa pre-need industry.

Pinapurihan niya ang kompanya sa pag-aalok ng Life Plan ni Juan, kung saan ang Eternal Plans ay na­ging unang pre-need industry member na nag-alok ng isang micro pre-need product.

“This is a very fitting response to the industry’s desire to offer micro pre-need products in addition to the traditional memorial life, pension and education plans,” sabi ni Funa.

Dagdag pa niya, aminado ang industry players na ang pag-aalok ng mas murang pre-need products sa low-income sector ay makatutulong sa asam na paglago ng industriya.

“We fully support this inclination and we are pleased to note that Eternal Plans is at the forefront of this endeavor,” ani Funa.

Nanawagan siya sa board of directors, officers at staff at sa sales force members ng Eternal Plans to “take pride and joy in our noble mission to serve our countrymen.”

Dagdag ni Funa: “As I always point out to the industry players like you, it is not just consumer products that you are selling. What you offer our people are peace of mind and the courage to face life’s uncertainties.”

Nagpahayag siya ng kumpiyansa na sa kooperasyon at determinasyon ng industry players at stakeholders, ang pre-need industry ay tiyak na magiging mas matatag ang paglago at pag-unlad sa pamamagitan ng paglinang at pagkakaloob ng higit na mga makabagong produkto na magkakaloob ng ‘worry-free tomorrow’ para sa mga mamamayang Filipino.

Ang Eternal Plans ay itinayo ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua noong 1981 bilang tagapagkaloob ng pre-need products na tutugon sa mga pangunahing pangangaila­ngan ng mga Filipino. Unang itinatag upang mag-alok ng  memorial life plan na susuporta sa memorial lot business ng sister company nito na Eternal Gardens, ito ay isa tatlo lamang na pre-need companies na lisensiyadong mag-alok ng life, pension at education plans.

Ang tema ng 39th anniversary celebration nito ay “Paramihin. Palawakin. Panalo sa 2020” upang ihayag ang kapasiyahan nitong higit na magpunyagi tungo sa pagkamit ng ‘full recovery’.

Comments are closed.