ETHEL BOOBA: MAS GUWAPO SI ATONG ANG KAYSA KAY GERALD ANDERSON

KILALANG  ma­kulit at prangka si Ethel Booba pero pagdating sa social isyu ay  hotshotsnagiging seryoso. Lagi siyang may sinasabi tungkol sa mga nangyayari sa kapaligiran, mapa-showbiz man o politics na benta naman sa mga netizen dahil marami ang nakare-relate sa kanyang mga sentimiyento.

Kailan lang ay sumali siya sa Celebrity Edition ng Tawag ng Tanghalan  kung saan siya ang tinanghal na kampeon. Dahil sa pagkapanalo ay mapalad siyang naimbitahan sa show ni Kuya Boy Abunda sa show nitong Tonight With Boy Abunda.

Matapang na sinagot lahat ni Ethel ang tanong ni Kuya Boy. Sa portion ng Truth or Charot ay tinanong siya kung tatakbong  senador sa 2022 election.

Mabilis na sagot  naman ni Ethel ay “truth” na sinabayan ng tawa with matching palakpak na tila kabaligtaran ng sagot. Pero may hirit  ito at sinabi na, “paano kung truth?” sige nga, abangan niyo ha!”

Tinanong din ni Kuya Boy kay Ethel kung totoo ba binabayaran siya ng mga politician  para siraan ang ilang mga personalidad at politiko. Agad  naman sinagot niya na, “Charot lang yan” na may serious tone.

Naitanong din kay Ethel ni Kuya Boy kung mas guwapo raw ba si Atong kaysa kay Gerald Anderson? “Truth” din agad ang naging sagot ng controversial singer/komedyante.

“Siyempre  mapera eh, ‘pag marami ka talagang pera, talagang gumaguwapo ka talaga  nang bonggang-bongga,” paliwanag ni Ethel na sinabayan ulit ng tawa.

Marami pang pasabog si Ethel, pero ang dapat abangan ay kung totoo or seryoso nga ba siya na pa­sukin na rin ang politics sa 2022 election.

AGA MUHLACH MARAMING PAIIYAKIN SA ‘MIRACLE IN CELL NO 7’

MARAMI ang na-touch sa trailer ng movie nina Aga Muhlach at batang si Xia Vigoraga muhlach  na “Miracle in Cell No. 7” na entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2019.

Hindi naman nakagugulat na talagang nakakaiyak ang Tagalog version ng movie dahil una itong ginawa ng mga Koreano na big hit nga sa Korean at kahit nga dito sa ating bansa nang ipalabas ito sa TV ay sobrang hit din at inabangan talaga ng mga Pinoy.

Tama lang at bagay talaga kay Aga ang role na isang ama na nakulong na wala naman nagawang kasalanan. Pero dahil sa paghahangad ng kanyang anak na mapawalang-sala ang ama ay ipinagtanggol siya nito sa korte.

Naging abogada kasi ang anak ni Aga para maipagtanggol siya sa kor­te at patunayan na walang nagawang kasalanan.

Siguradong maraming makare-relate, lalo na sa mag-ama na hangad lang ay kasiyahan nang bawat isa.

Sana lang ay muling panoorin ito ng mga nakapanood na dahil iba pa rin ang dating kapag pinanood mo sa isang sinehan.

Kapag nagkataon ay baka maungusan pa ng movie nina Aga at Xia ang ibang entry movies sa MMFF na magsisimula sa December 25 hanggang January 7, 2020.

MARLO MORTEL DISMAYADO SA PAGKATALO SA TNT

HINDI raw matanggap at dismayado ang singer/actor na si Marlo Mortel  nang ma-MARLO MORTELeliminate agad sa unang araw pa lang ng resbakan sa Celebrity Edition ng Tawag ng Tanghalan na pinagwagihan nga ni Ethel Booba.

“Not  gonna  lie, my  heart  breaks,”bungad ni Marlo sa kanyang IG post.

“I`ve  always  asked  myself , “What`s  wrong with me? For I can`t  even  bag  a  small  win  after a  decent  performance,” say pa ng singer.

Makailang beses na nga raw siyang  natalo sa pagsali sa iba`t ibang  contest  pero patuloy pa rin siyang lumalaban.

Nang sumali nga raw siya sa TNT ay feeling handang-handa na siya  sa laban sa kabila ng naranasan rejection na kanyang hinarap.

Naniniwala si Marlo Mortel na karapat-dapat siyang manalo at naitanong na, “I`m confused , so am I really worth a win.”

Samantala, sa mga nakapanood ng laban niya sa TNT ay tama  ang naging desisyon na matsugi siya sa contest.

One thought on “ETHEL BOOBA: MAS GUWAPO SI ATONG ANG KAYSA KAY GERALD ANDERSON”

  1. 931889 571672Exceptional read, I just passed this onto a colleague who was doing a little research on that. And he truly bought me lunch as I located it for him smile So let me rephrase that: Thank you for lunch! 940600

Comments are closed.