SA PR parlance, acceptable damage control at promotional campaign ang desisyon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na maglunsad ng press freedom caravan sa Europe.
Tama iyong caravan na naisip nila dahil ganyan kaimportante ang imahe ng bansa sa buong mundo, bunsod na rin kasi ng salungat na ginagawa nina Gng. Leni Robredo, Sen. Antonio Trillanes at iba pang mga elemento ng dilaw na sa tuwing mag-a-abroad ay puro paninira ang sinasabi ukol sa bansa.
‘Yang mga paninira ng dilaw ay sinasakyan naman ng ilang mga grupo na nakabase sa ilang bansa na ang nais ay patuloy na magkawatak-watak ang mga Filipino.
Ngayon ay parang naging instant state auditor naman ang ilang mga senador sa pagkukuwenta sa magagastos ng PCOO sa Eu-rope para riyan sa press freedom caravan. Malamang ang gagastusin nila diyan ay pera ng taumbayan, alangan namang bumunot sila sa sarili nilang bulsa e opisyal po na function nila ‘yang pagtatanggol at pagpapabango sa ngalan ng Filipinas sa ibang bansa.
Ang ibang bansa nga, katulad ng India, Singapore at Malaysia, ay milyon-milyong dolyar ang ginagastos sa international media upang mapaganda ang imahe ng kani-kanilang bansa. Tayo caravan lang dahil walang kaparehong budget ay aangal pa ang ilang senador?
Ngayon kung talagang magaling kayong magkuwenta, niimbitahan ko kayong kuwentahin ang damage na ginagawa ng pag-sasalita ni Gng. Robredo sa ibayong dagat laban sa Filipinas. Pati na ang mga pagbibigay ni Sen. Trillanes ng mga mapanirang patutsada sa ibang bansa ukol sa mga programa ng pamahalaang Filipinas.
‘Yan kwentahin ninyo ang damage na nagagawa nila at ang pondong ginagamit nila para mai-broadcast sa buong mundo ang kanilang mga paninira.
Comments are closed.