EUA NG 2 BAKUNA APRUB SA FDA

FDA officer-in-charge Eric Domingo

INAPRUBAHAN na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authority (EUA) ng dalawang brand ng COVID-19 vaccines.

Ito ang anunsiyo ni FDA Director General Eric Domingo, sa “Laging Handa” public briefing kahapon  at sinabing maaari nang magamit ang mga bakunang gawa  ng Johnson & Johnson  at Bharat Biotech.

“The EUA of the two brands were approved on April 19,” ayon kay Domingo.

Paglilinaw naman ng FDA chief na alam ng pamahalaan ang pag-iimbestiga ng United States FDA sa ulat na blood clot sa mga tinurukan ng Johnson & Johnson vaccine.

“They are investigating one for every one million who have been vaccinated for (blood) clotting,” paliwanag ni Domingo.

Tiniyak din ni Domingo na maglalatag ng malinaw na guidelines ang  Department of Health sa rollout ng  nabanggit na bakuna at ipaalam sa mga vaccinator gayundin sa babakunahan ang normal na sintomas kapag nabakunahan.

“But all in all, the benefit of using the vaccine, of vaccinating one million people very definitely outweighs the risk of that possible clotting of one for every one million,” dagdag po ni Domingo

Sa kaso naman ng Bharat Biotech, sinabi ni Domingo na binigyan lamang nila ng conditiona EUA ang naturang vaccine brand ng India at kapag nakompleto nila ang requirement ay saka ang solid EUA ang kanilang igagawad.

Anim na pharmaceutical companines ay inaprubahan ng FDA para makapag-produce ng bakuna na gawa ng J &J at Bharat Biotech.

Sa ngayon aniya ay wala nang pending applications para sa EUA ng drug manufacturing firms habang umaasa si Domingo na mag-aaply rin ang Moderna at Novavax ngayong taon. EVELYN QUIROZ

2 thoughts on “EUA NG 2 BAKUNA APRUB SA FDA”

Comments are closed.