IDINEKLARA nang episentro ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) global pandemic ang Europa.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa ngayon nasa 132,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong mundo kung saan nasa 5,000 na ang mga nasawi.
Sinabi ni Ghebreyesus, maituturing na kasing episentro ng virus ang Europa matapos na maitala ang 15,000 kaso nito sa Italy, habang nasa 11,000 naman ang naitala sa Iran.
Samantala, nasa 81,000 naman ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa China. DWIZ882