ISANG Europe-based financial institution ang target na palawakin ang kanilang operasyon sa Filipinas.
Hindi pinangalanan ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Chuchi Fonacier ang naturang bangko subalit sinabing isang opisyal ang lumapit sa kanya at nagpahayag ng in-teres sa domestic market.
“They are interested to apply for a license,” aniya.
Gayunman, sinabi niya na hindi tinukoy ng naturang opisyal ng European bank kung anong partikular na lisensiya ang kanilang aaplayan.
Ilang dayuhang bangko na ang nagpakita ng interes na magbukas ng sangay o subsidiary sa Filipinas magmula nang isabatas ang Republic Act (RA) 10641 o ang ‘Act Liberalizing the Entry and Scope of Operations of Foreign Banks in the Philippines’ noong Hulyo 2014.
Sa kasalukuyan ay pinayagan na ng BSP ang domestic operations ng 12 foreign banks, kabilang ang Japan’s Sumitomo Mitsui Banking Corp., South Korea’s Shinhan Bank, Taiwan’s Cathay United Bank, Industrial Bank of Korea, Taiwan’s Yuanta Bank, Singapore’s United Overseas Bank Ltd., Seoul-based Woori Bank, at Taiwan’s Hua Nan Commercial Bank Ltd. PNA
Comments are closed.