NAIS ng ilang senador na magpatupad ng travel ban laban sa European travelers matapos na magkaroon ng bagong coronavirus strain sa United Kingdom.
Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Department of Health (DOH) na dapat na agad na ipatupad ang travel ban upang maprotektahan ang mga Filipino.
“DOH should not procrastinate. Recall that in February, DOH, concerned that it will displease China, refused to ban incoming passengers from China. Result: deadly transmission from Wuhan visitors of the dreaded Covid virus,” sabi ni Drilon.
Ayon naman kay Senador Joel Villanueva, mahalagang agad na magkaroon ng travel ban upang hindi na kumalat ang virus mu-la sa Europa.
“We should act quickly and temporarily ban travelers from Europe. This is to ensure the new strain doesn’t spread here,” aniya.
Sinabi naman ni Senadora Grace Poe na hindi dapat virus ang kumakalat kung hindi ang bakuna.
“It’s the vaccine that should be spreading across borders, not the virus.”
Ayon sa Research Institute for Tropical Medicine, may bagong strain ng COVID-19.
Nagsuspinde na rin ng ilang air links at ferry links ang Austria, Belgium, France, Germany, Ireland, Italy, at ang the Netherlands dahil dito.
Comments are closed.