EVAC CENTERS ITATAYO SA BAWAT BRGY

Carlos Zarate

PINAMAMADALI  na sa Kamara ang pag-apruba sa panukala na layong magtayo ng evacuation centers sa  bawat lugar sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 5259 o Evacuation Centers bill, pagtatayuan ang bawat barangay ng evacuation centers upang madaling mapuntahan ng mga residente sakaling ipag-utos ng LGUs ang paglikas.

Magsisilbi ring command center para sa disaster response ang mga itatayong evacuation centers.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ito ay para hindi na magamit ang mga paaralan at mga multi-purpose halls na evacuation centers na kulang sa kagamitan, pasilidad at kalimitan din na nakatayo sa mga disaster prone area.

Ang mga evacuation center ay titiya­king disaster resilient na ligtas na matutuluyan ng mga biktima ng kalamidad.

Hinamon ni Zarate ang Kongreso na agad ipasa ito sa pagbabalik  ng sesyon upang matugunan agad ang mga pangangailangan ng mga kababayang nasalanta. CONDE BATAC

Comments are closed.