EVAC CENTERS SA LAHAT NG LGUs IKINATUWA NG DEPED

Ikinalugod ni DepEd Secretary Sonny Angara ang pagkakapasa ng batas na nag-aatas sa lahat ng local government units o LGUs na magtayo ng kanilang evacuation center na magagamit sa panahon ng kalamidad.

Pinapurihan ni Secretary Angara ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod nang paglagda ng Punong Ehekutibo sa Republic Act No. 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act.

Alinsunod sa natu­rang batas, obligado ang mga lungsod at munisipalidad na magtayo ng sariling evacuation cen­ters

Dahil dito ay maiiwasan na ang paggamit sa mga pasilidad ng pampublikong paaralan sa panahon ng bagyo, baha, lindol at iba pang emergency situation.

Hindi lamang aniya game-changer sa disaster response ng Pilipinas ang naturang batas kundi pati na rin sa public education lalo na at tugon ito sa usapin ng paggamit sa mga eskuwelahan bilang  evacuation centers.

Ayon kay Secretary Angara, hindi na mababalam ang klase ng mga mag-aaral matapos ang mga kalamidad.

Elma Morales