EVACUATION CENTERS SA BAWAT PROBINSIYA PINAMAMADALI

Rep-Carlos-Isagani-Zarate

MULING kinalampag ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Zarate ang Kamara na madaliin ang pag-apruba sa Evacuation Centers Bill.

Giit ni Zarate, hindi na dapat hintayin pa na may panibago na namang bagyo ang mananalasa sa bansa bago maisip ang pagka-karoon ng matatag at disaster resilient na evacuation centers.

Sa inihaing House Bill 5259 ni Zarate, tinitiyak ng panukala na mayroong secure at safe na lugar para sa mga biktima ng kalamidad.

Ang panukalang evacuation centers ay dapat na typhoon, earthquake at disaster resistant, malayo sa mga tent cities at mga open spaces na lantad sa iba’t ibang sakit ang mga evacuee.

Maiiwasan na rin ang paggamit sa mga eskuwelahan at mga multi-purpose halls na evacuation centers na kadalasan ay nakatayo pa sa mga danger prone areas.

Itatayo ang mga evacuation center sa bawat lungsod at lalawigan sa bansa na magsisilbi ring command center para sa disaster response. CONDE BATAC