IPINAKITA ng mga world-class coordinators at mga supplier para sa wedding events at iba pang occasions sa lalawigang ito ang kanilang gawa para sa exposition known sa 2nd Home Entertaining Lifestyle.
Ang tatlong araw na exposition ay kabilang sa ipinakita noong Linggo sa Esplanade ng Central Atrium Residences na ibinida sa Asiawide Land Specialist Development Corporation.
Sinabi ni Bataan Vice Governor Cristina Garcia, na kabilang sa special guests, na malaki ang maitutulong ng expo para umangat ang turismo ng kanilang lalawigan.
“We welcome these activities. This is another level, a step for us to professionalize not only as if walk-in tourism. We have our gears, entertainers, caterers that are world class which we can showcase and show off,” ayon kay Garcia.
Sinabi ng vice governor na hindi na dapat lumayo ang sinuman sa Bataan dahil nasa kanila ang world-class services bilang wedding events coordinator at kahit ano pang okasyon.
“Let us appreciate that there are some things that we can be proud of here. Not only in Bataan, they can represent us in the region and even national,” ayon pa sa vice governor.
Sinabi naman ni Raquel David, Asiawide Land Vice President for Finance and Marketing, na mahilig ang Filipino sa love events and gatherings kaya alam na ng mga event coordinators ang gagawing theme.
“The nature of family ties is that we love gatherings which give us a chance to meet again our relatives, especially those living in far places,” ayon kay David.
Bukod sa pagiging mahusay na event coordinator at wedding planner, ginawa ang exposition para rin sa mga caterers.
“We held this event to know who are good caterers and event coordinators because this place is always being chosen for events in Bataan,” ayon kay David. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.