EVENT COORDINATOR TINARAKAN

sinaksak

PATAY ang isang coordinator matapos saksakin ng hindi kilalang lalaki makaraan ang mainitang pagtatalo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Si Christian Paul Lagrosa ng Blk 19 Lot 24 Tierra Nova, Phase 2 Brgy. 171, ay died on the spot sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.

Ayon kay Caloocan police deputy chief for administration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, alas-8:30 ng gabi nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang suspek sa kahabaan ng Victoria Street na tila dahil sa dating alitan.

Ang suspek na kasama ang tatlong iba pa ay sinapak sa mukha si Lagrosa, subalit bago makagante ang biktima ay nagawa nang makatakbo ng salarin.

Hinabol ni Lagrosa ang suspek at pagda­ting sa kanto ng Artagon Tierra Nova, naglabas ng patalim ang salarin at sinaksak sa dibdib ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon. EVELYN GARCIA

3 thoughts on “EVENT COORDINATOR TINARAKAN”

  1. 221414 4534Some truly nice and utilitarian details on this web internet site , likewise I think the design and style holds amazing features. 540457

  2. 403704 950432Someone necessarily assist to make critically articles Id state. This is the first time I frequented your internet page and thus far? I amazed with the analysis you created to make this actual submit incredible. Exceptional activity! 771923

Comments are closed.