EX-BODYGUARD NG POLITIKO NAKUHANAN NG MGA ARMAS

armas-2

ISABELA – ISANG dating bodyguard at political escort ng politiko ang nasamsaman ng high-powered firearms  (HFAS) o mataas na uri ng baril sa search warrant na pinagsanib na puwersa ng ­Quezon Police Station, Regional Intellegence Division PRO2, Regional Police Office na ipinalabas ni Judge Ber­nabe Mendoza ng RTC Branch 23, ng Roxas.

Nakilala ito na si Isabela Casaoay, residente ng Brgy. Aurora na nakuhanan ng HFAS kabilang ang isang cal. 38, isang cal. 45, isang improvised gauge 12 shotgun, isang kalibre 7.62 (M14)  anim na magazine ng M14, na puno ng bala, dalawang magazine ng kal. 45, tatlong po at pitong live ammos para sa cal.45, anim na live ammo ng para sa cal 38,  sampung live ammo ng calibre 22, ang nasabing mga baril ay walang kaukulang mga dokumento. Bago ang search warrant,marami na umano ang nakararating na impormas­yon sa pulisya na pinamumunuan ni Sr. Insp. Dennis Matias, na kadalasan umano ay dinadala ni Casao ay ang kanyang baril sa kanyang sinasakang bukid at ginagamit ito na ipinananakot nito sa kapuwa magsasaka na nakakaaway niya sa patubig, bukod dito ay madalas umano na nagpapaputok ito sa sandaling lasing sa alak.      IRENE GONZALES