EX-CHAIRMAN ‘INALAT’ SA HARAP NG SABUNGAN

baril

DAVAO CITY – ISANG da­ting barangay chairman ang nilikida sa loob ng sabungan ng mga hindi pa nakikilalang lalaki sa lungsod na ito.

Ayon sa Davao City Police Office, nasawi sa pananambang si Arnold Maalat na dating kapitan sa Barangay Communa,Buhangin na pinagbabaril ng dalawang lalaki sa labas ng sabungan.

Nabatid na nakulong si Maalat sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga noong 2017 at ngayon taon lamang nakalaya mula sa Davao City Jail.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pamamaslang habang may teorya na konektado sa dati nitong kaso ang motibo sa pagpatay kay Maalat. VERLIN RUIZ

Comments are closed.