NAVOTAS CITY – PATAY ang dating ex-convict matapos pagbabarilin ng hindi kilalang suspek malapit sa kanyang bahay sa lungsod na ito.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rafael Dela Cruz, 30-anyos, residente ng Barangay Tangos North.
Batay sa report na nakalap mula kay Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas, naganap ang insidente bandang 7:00 Lunes ng umaga habang nakikipag-usap ang biktima sa isang bystander malapit sa kanilang bahay nang sumulpot ang nag-iisang gunman at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan si Dela Cruz bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.
Nabatid na nakulong umano ang biktima noong 2015 sa kasong grave threat at three counts of theft at noong 2016 ay sa kasong ilegal na droga.
Narekober ng pulis sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang deformed slug mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril habang patuloy naman ang follow-up na imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. VICK TANES
Comments are closed.