ILIGAN CITY – KALABOSO ang isang dating pulis at dalawang iba pa nang maaktuhan sa buy bust operation sa Purok 7-B, Barangay Tambacan, sa lungsod na ito.
Kinilala ni Police Major Abogado Mautin, hepe ng Police State 4, ang mga nahuli na sina Eva Rivelo, 33-anyos, may pamilya; Catherine Taba, 33-anyos, at DI listed ng PDEA; at ang pangatlo ay isang dating pulis na si Melody Artiaga, 33-anyos, at residente ng Mabination, Barangay Ubaldo Laya, sa nasabing lungsod.
Nakuha sa kanilang posisyon ang pitong pakete ng shabu kung saan inaalam pa ng awtoridad kung magkano ang street value ng ilegal na droga.
Dinala sa piskalya ang mga suspek para sa kanilang inquest proceedings dahil sa paglabag sa RA 9165 o mas kilalang Dangerous Drugs Act of 2002. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM