TINIYAK ng awtoridad na “safe” si dismissed Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., ang susi sa 990 kilos shabu haul, na nahuli sa Sta Cruz, Maynila, matapos na ilipat ito ng kulungan sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City .
Si Mayo ang dating intelligent officer ng PNP-Drug Enforcement Group na naaresto sa drug operation sa Maynila noong October 2022 at sinasabing may-ari ng WPD lending company na nagsilbing imbakan ng nakumpiskang P6.7B ilegal na droga ay inilipat sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology.
Magugunitang si Mayo ay nasibak sa serbisyo dahil sa grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer kasunod ng pagkaka-aresto nito na may kaugnayan sa 990 kilo ng shabu na sinasabing pinagmulan ng iringan sa pagitan nina DILG Secretary Benjamin Abalos at PNP chief Rodolfo Azurin.
Bunsod ng isyu hinggil sa umanoy tangkang cover-up at mga inconsistencies sa pahayag ng mga sangkot na police officers sa anti-drug operation at usapin hinggil sa tangkang pag kupit ng 42 kilos ng nahuling droga.
Tiniyak ni PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, na magiging mahigpit ang seguridad at pagbabantay kay Mayo sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa Camp Bagong Diwa alinsunod sa ibinabang court order sa pulisya.
Sinabi pa ni Fajardo na nagpapatuloy pa rin ang paggulong ng pagdinig sa kaso ni Mayo dahil sa naging paglabag nito sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Malaking usapin din sa loob ng PNP at maging sa DILG kung saan nagmula ang halos isang toneladang shabu na nasa pag-iingat ni Mayo.
Matatandang kahit na hiningan ng paliwanag at pagsasalita, sinabi ni Internal Affairs Service Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na hindi na dinepensahan pa ni Mayo ang kanyang sarili at wala rin itong sinabi na ibang detalye sa mga posibleng kasabwat nito sa loob ng PNP.
Habang patuloy na nag-usbungan ang ibat ibang anggulo hinggil sa umano’y hindi magkakatugmang pahayag at police report na inilabas ng PNP-PDEG particular ang inconsistencies s apagkakadakip kay Mayo, at ang nakitang pagsasakay ng 42 kilos ng shabu sa sasakyan ng pulis na unang deneklarang 30 kilos.
Samantala walang umanong nakikitang masama at welcome sa PNP ang ginagawang hiwalay na imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) na pinamumunuan ni SILG Abalos hinggil sa umano’y nangyaring cover-up sa pagrekober ng PNP Drug Enforcement Group ng 990 kilo ng shabu mula Mayo.
Ayon kay Fajardo, hindi nila nakikita na taliwas ito sa ginagawang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group SITG 990 na itinatag sa utos naman ni PNP Chief, Gen Rodolfo Azurin, Jr.
Ani Fajardo, nakikipagtulungan ang SITG 990 sa fact-finding Committee ng NAPOLCOM para maresolba ang naturang usapin.
VERLIN RUIZ