MARAMING pamilyang Filipino na ang makikinabang sa pinalawak na Department of Labor and Employment Integrated Livelihood Program (DILP).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang pamilya ng mga gumaling na drug dependent, aplikante para sa programang Balik-Probinsiya, Bagong Pag-asa, at dependent ng mga nasawi sa lehitimong operasyon ng pulisya at military ay maaari rin tumanggap ng tulong sa ilalim ng programang DILP sa kondisyong sasailalim sa umiiral na pamantayan, patakaran at regulasyon.
Gayundin ang dating grupo ng mga extremist, tulad ng Abu Sayyaf, Maute, Dawlah Islamiya Bangsamoro Islamic Freedom Fighter, Turaife group at iba pang grupo na boluntaryong iniwan ang ganitong gawain ay kuwalipikado sa DILP, gayundin ang miyembro ng kanilang pamilya.
Ang DILP ay isang pangunahing programa ng DOLE na nagbibigay ng tulong para pataasin ang kapasidad ng mga marginalized worker sa pagtatayo ng negosyong pangkabuhayan.
“Naglabas ako ng karagdagang patakaran sa implementasyon ng DILP upang palawakin ang saklaw na mga benepisaryo, at ilalapit namin ito sa higit pang nakakaraming miyembro ng ating lipunan para sa isang totoong magkakasamang pag-unlad,” wika ni Bello.
Sa bagong saklaw ng programang DILP sa ilalim ng DOLE Administrative Order No. 126 series of 2021, kabilang ang mga indibidwal na magpapatupad sa Libreng Bisikleta o Freebis program na isang alternatibong empleyo o pangkabuhayan para sa mga maliliit na negosyo ng pagtitinda o paghahatid ng produkto.
Ang pinakamalaking halaga ng tulong para sa indibidwal na Libreng Bisikleta ay nadagdagan mula P20,000 hanggang P25,000 kasama na ang working capital, micro-insurance, at pagsasanay.
Ipinahayag din ni Bello na maaari ring tulungan ng DOLE ang mga magulang ng batang-manggagawa na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ngunit kinakailangan na-profile at inendorso ng Child Labor focal person; miyembro ng pamilya ng mga probationers/parolees, anuman ang kanilang naging kaso, mga katutubo na benepisaryo din ng 4Ps, sa ilalim ng programang DILP.
Ang mga bagong kuwalipikado para sa DILP ay kasali na sa mga listahan ng benepisaryo kasama ang mga self-employed worker na hindi nakatatanggap ng sapat na kita, nagtatrabaho sa pamilya nang walang bayad, mababa ang sahod at seasonal worker, manggagawang nawalan o mawawalan ng trabaho, marginalized at walang sariling lupang sinasaka, marginalized na mangingisda, kababaihan at kabataan, mga taong may kapansanan at senior citizen, mga katutubo, biktima ng armadong hidwaan, mga nagbalik-loob na rebelde, at magulang ng mga batang-manggagawa. PAUL ROLDAN
407632 954080This is a excellent subject to speak about. Sometimes I fav stuff like this on Redit. This post probably wont do effectively with that crowd. I is going to be confident to submit something else though. 880071