PUMANAW sa edad 68 ang dating kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Corazon “Dinky” Soliman bunsod ng renal and heart failure.
Ang kanyang esposo na si public interest lawyer Hector Soliman ang nagkumpirma ng pagpanaw ng dating kalihim dakong 7:32 ng umaga, Setyembre 19.
“We pray for the eternal repose of her soul, we will share details for the wake later, and ask that the family be given some time and privacy for grieving,” ayon kay Atty. Soliman.
Huling nakita ng publiko si Dinky sa burol ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong Hunyo.
Nagsilbi si Dinky bilang DSWD secretary sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001subalit nagbitiw noong 2005.
Naging bahagi siya ng Hyatt 10 na kritiko ng Arroyo administration, inakusahan ang umano’y dayaan sa 2004 Presidential election gayundin ang pagkondena sa Hello Garci scandal noong 2005.
Comments are closed.